ALKALINE BATTERIES VS. LITHIUM BATTERY

ALKALINE BATTERIES VS. LITHIUM BATTERY

May Panauhin na naghahanap sa akin ng lithium batteries, agad kong ibinigay sa kanya ang energizer battery. Tinanong din nya sa akin kung ano ang kaibahan ng alkaline batteries at lithium batteries. Dahil wala akong ideya dito, agad ko itong tiningnan sa Google para mai-explain sa kanya ang kaibahan nito.
Ang lithium batteries ay 8 hanggang 10 ulit, na mas nagtatagal kaysa sa alkaline batteries, at ang lithium battery ay naka-maintain pa rin ang full voltage niya hanggang maubos ang karga nito. Hindi tulad ng alkaline, na bumababa na ang boltahe nito habang tumatagal.